Tema: Gurong Flipino, turo mo kinabukasan ko.
Ang ating mga guro o titser ay mga katulong natin sa ating kumunidad sa paghubog sa ating mga anak. Sila ang pangalawang mga magulang ng mga bata sa paaralan. Tumutulong sila upang mapausbong nila ang mga kaalaman ng mga bata hindi lamang sa teknikal na kaalaman kundi sa paghubog sa kanila ng kagandahang asal na hanggang sa kanilang pagtanda ay kanilang taglay.Hindi lamang mga lumaban at namatay ang maituturing nating bayani dahil ang ating mga guro ay maituturing natin silang mga buhay na bayani dahil sa kanilang sakripisyo, tiyaga at higit sa lahat walang sawang pang-unawa sa kanilang mga estyudante. Sa araw araw na hirap sa pagtuturo, pagod sa pagtayo, at masakit na lalamunan sa pagtuturo ay hindi nila alintana upang maturuan at mabigyan lamang ng sapat na kaalaman ang mga bata para sa kanilang hinaharap at kinabukasan. Sila ang mga taong higit na nagmamalasakit sa ating mga anak. Sa malaking inspirasyong ibinibigay sa mga bata, nabibigyan nila ng pagkakataon ang bawat bata na magpursigi at pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral upang makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Ang ating mga titser ay mga buhay na bayani dahil sa hawak nila ang kinabukasan ng ating mga batang henerasyon. Silang nagbinhi ng maraming kaalaman, pumasan sa aming mga bigat ng kalooban at naging hagdan tungo sa pagkamit ng aming mga pangarap sa buhay at sa iba pang tagumpay sa buhay.
References : https://goo.gl/images/PrDr2X
https://goo.gl/images/jkdiY0
Comments
Post a Comment