Simula pagkabata pa lamang ay sila na ang nag-alaga, nagmahal at nagpalaki sa atin. Sa kabilang dako naman, maraming mga kabataan ang hindi nakaranas ng pagmamahal at pagaaruga ng isang magulang at ang iba naman ay inaabandona na lamang o di kaya naman ay ipinapaampon. Sila ay nagtatrabaho kahit sa murang edad matustusan lamang ang kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan. Salungat sa mga batang ito, maraming mga bata ang namumulubi at namamalimos sa mga banketa ng kalye. May mga araw na sa maghapong pamamalinos nila ay kulang na kulang ito kahit na pambili lamang ng makakain kung kaya't sila ay nangangalkal ng mga basurahan malapit sa mga kainan upang maghanap ng mga tiratirang pagkain. Wala ring mga bahay na tinutuluyan kaya pagala-gala sila at walang mga permanenteng lugar. Natutulog sa mga malamig na semento ng banketa ng walang kahit na anong proteksiyon laban sa lamig. Walang mga maaayos na gamit, damit at hindi naliligo araw-araw kung kaya't walang lumalapit sakanilang mga bata para makipaglaro. Higit sa lahat hindi sila nakakapag-aral walang susustento o susuporta sa kanilang pag-aaral. Kung sana lamang ay may mga magulang pa sila na magaaruga sa kanila ay hindi mangyayari lahat ng mga ito at masisiguro pa ang kanilang kinabukasan. Ganito ang hirap na dinadala ng ibang mga kabataan sa murang edad pa lamang. Sa murang edad pa lamang ay namulat na sila sa realidad ng buhay. Mga batang isang kahid isang tuka.
Ang Children's Month Celebration ay naglalayong isulong ang pag-aalaga sa mga kabataan. Dapat natin silang alagaan, mahalin at ingatan dahil dito nagsisimula ang magandang kinabukasan. Sa pamamagitan nito maraming mga bata ang hindi mawawala o malilihis sa tamang landas at magagabayan patungo sa mas magandang kinabukasan.
References : https://goo.gl/images/VXjjnF
Comments
Post a Comment