Skip to main content

Wikang Filipino : Mahalin Ang Sariling Atin

     "Wikang Filipino, Wika ng Saliksik". Ito ang tema para sa taunang pagdiriwang ng buwan ng wika. Ito ang panahon na kung saan ipinagdiriwang natin ang simbolo ating pagkapilipino, ang wikang Filipino.

     Ano ang ginagamit mo pag nag-sasaliksik ka ng iyong mga takdang-aralin, proyekto at iba pang mga kailangan sa paaralan o di kaya'y sa trabaho? Marami nang mga kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng mga "gadget" gaya ng cellphone, laptop, computer at iba pa. Dahil dito marami na ang dumidepende sa mga ito at nakakalimutan na ang gumamit ng mga libro sa mga pananaliksik. Dahil din dito nakakalimutan na natin ang paggamit ng wikang Filipino dahil wikang ingles ang ginagamit na wika ng mga gadgets.

     Kasalukuyang ipinagdiriwang ngayon sa aming paaralan, ang Ilocos Sur National High School, ang Buwan ng Wika 2018. Marami silang mga inihandang patimpalak at mga aktibidades. Ito ay ang paggawa ng poster, pagsusulat ng sanaysay, OPM singing contest, spoken poetry at marami pang iba. Ngunit ang pinakaaabangan ko ay ang Sabayang Pagbigkas na kung saan sasali kami ng aking mga kaklase.

     Gaya nga ng sabi ni Dr. Jose Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas mabaho pa sa malansang isda". Sinasabi nito na dapat nating mahalin ang ating wika dahil ito ang pamana ng ating mga ninuno sa atin. Kailangan natin itong pahalagahan dahil kung hindi mababalewala ang pinaghirapan ng ating mga ninuno at wala tayong maipapamana sa mga susunod pang mga henerasyon.

               Image result for filipino wika ng saliksikImage result for filipino wika ng saliksik
Sanggunian

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=vVBqW6vOL9TdhwOrpZCQBA&q=filipino+wika+ng+saliksik+photos&oq=filipino+wika+ng+saliksik+photos&gs_l=img.3...230559.235862.0.236144.7.7.0.0.0.0.124.570.6j1.7.0....0...1c.1.64.img..0.2.204...0j0i67k1.0.bacAg9QgetU#imgrc=p-yh9w57hcSMpM:


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Season of Love

     Christmas.....the season of hope, peace, unity, joy, and love to all. The birth of our savior Jesus Christ who sacrifice his life to save all mankind. Indeed, it is the day of forgiving and forgetting bitterness of life instead let us spread love and positivity to all. It is the season to be reunited.      Every 25th of December, everyone is filled with joy and smiles. Families and friends showing their love to each other through gift giving and other ways. Streets and houses are decorated with so many sparkling lights, children caroling and Christmas trees are glowing. But somehow, I believe the true meaning or essence of Christmas is not the glowing lights nor the gifts we receive but the true love we share to everyone not only to our loved ones but to every people in the world.      Let us celebrate Christmas every single day of our lives. Spreading love to all mankind, sharing our blessings to everyone, and be reunited with...

The Most Awaited Month of the School Year

The month of July, this is my most awaited month of the school year. During this month is the Nutrition Month. This is where various contests and activities were conducted. Also this month, they encourage the students to eat healthy foods and live a healthy life. For this year’s theme, “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin” which is to encourage every family to plant fruits and vegetables in their house especially their backyard.  We recently celebrated our nutrition month in Ilocos Sur National High School through the help of the TLE Club, STEP Club and also the TLE Department. I’ve enjoyed every contests and activities like the Food Festival, Mural Painting, Poster Making, the Nutri-Jingle and many more. The Food Festival aims to sell nutritious food from every sections of grade 7 to 10. Me and my classmates participated in the said activity. We sell miki, ginittaan, sopas, turon, shanghai, juice and many more. But the highlight of this nutrition month celebra...

Halaga ng Aruga

     Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan". Ibig sabihin nito, tayo ang mga magiging susi para sa pag-unlad ng ating bansa. Dahil dito, ang ating mga magulang ay nagtatrabaho at nagsisikap upang tayo ay makapag-aral at mabuhay. Pinagtutuunan ng pansin at inaalagaan nila tayo para magabayan sa tamang landas ng buhay.      Simula pagkabata pa lamang ay sila na ang nag-alaga, nagmahal at nagpalaki sa atin. Sa kabilang dako naman, maraming mga kabataan ang hindi nakaranas ng pagmamahal at pagaaruga ng isang magulang at ang iba naman ay inaabandona na lamang o di kaya naman ay ipinapaampon. Sila ay nagtatrabaho kahit sa murang edad matustusan lamang ang kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan. Salungat sa mga batang ito, maraming mga bata ang namumulubi at namamalimos sa mga banketa ng kalye. May mga araw na sa maghapong pamamalinos nila ay kulang na kulang ito kahit na pambili lamang ng makakain kung kaya't sila ay nangangalk...